Ewan

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. May isang lalaki na gusto ko pero ayoko magkagusto sa kaniya kasi hindi siya yung tipo ko. Hindi siya yung ideal man ko pero parang nagugustuhan ko siya. Araw-araw gusto ko na nakikita siya. At kapag wala naman siya, parang hindi kumpleto yung araw ko. Kung nasaan mang sulok ng klasrum siya naroroon, laging nandun yung mga mata ko.

Paulit-ulit kong inisip kung bakit ko ba siya nagustuhan. Sa wakas, tingin ko alam ko na kung bakit. Marahil, ito’y dahil nakikita ko yung sarili ko sa kaniya at marami rin kaming pagkakapareho. Parehong pasmado yung mga kamay namin. Noong first sem nga, lagi kong tinatapat yung kamay ko sa aircon para matuyo at napapansin kong ginawagawa niya rin ‘yon. Lagin rin siyang inaantok tulad ko, madalas mawala yung energy at bigla nalang tumatahimik. May mga oras din na sobrang hyper niya tulad ko pero minsan sobrang ayawa makipag-usap sa iba. Natuklasan ko na mahili din pala siya magbasa at duon mas lalong nahuhulog na ata ako sa kaniya. (Ayoko na!) Bukod duon, di ko alam pero alam ko na may social anxiety siya kasi yung mga kilos na tuwing reporting parang ganun ako dati (medyo nalang ngayon). Gusto ko sana siya maging kaibigan as in friend kasi gusto ko siyang kausapin tungkol sa mga bagay na ‘yon. Parang introvert din siya katulad ko at gusto ‘yong mga malalim na usapan tungkol sa buhay, sa mundo, at sa lahat ng mga misteryosong bagay na kinahuhumalingan ko rin. Hay, paano ko kaya siya magiging kaibigan eh patapos na ‘yong school year?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s